Friday, 11 January 2013

Pagmamahal at kape.

Mahal ko ang sarili ko. Sa umpisa, mag-isa lamang ako. Ipinanganak ako ng nanay ko, lumaki akong kasama sya, at minahal ko sya. Inaruga ako ng mga kakilala ko at minahal ko sila. Mahal ko pa rin ang sarili ko. Nakilala ko ang mga kaibigan ko sa school at minahal ko sila. Plagi kaming magkakasama. Nagtawanan, nag-iyakan, at nagpaligsahan. Mahal ko sila. Mahal ko pa rin ang sarili ko. Nag-highschool ako, nakakilala ng bago, minahal ko ang musika, dahil sa pagmamahal. Mahal ko ang sarili ko. Sinamahan nya ko sa siyam na buwan, minahal ko sya. Musika na lamang ang natira sa akin..mahal ko pa ba ang sarili ko? Lumapit ako sa kanya.,nagmakaawa..umiyak..mahal ko pa ba ang sarili ko?

Kanya-kanyang disisyon, kanya-kanyang pananaw. Ikaw? Sa tingin mo ba, pagmamahal pa rin kung tutuusin ang pagbabago sa sarili para sa iba? O binabago ka ng pagmamahal at iniiwan mo ang sarili mo, pati ang pagmamahal sa sarili mo? Ibig sabihin ba nun hindi ka na magpapahalaga sa sarili mo para magmahal ng tunay sa iba?

Unti-unting lumamig yung kape ko, kakaikot ng kutsara habang nakabukas ang electric fan. Ininom ko ito ng dahan-dahan kahit na malamig na ito. Hindi na sya masarap.

Dahilan..

Ano kayang dahilan kung bakit malamig ngayon? Sa winter ng ibang bansa. Ano kayang dahilan kung bakit may mga naaapi? Kasi may nagpapaapi o may nang-aapi? Ano kayang dahilan kung bakit may umiiyak? Kasi may nagpapaiyak o di kaya kasi hinayaan nya ang sarili nyang makain ng lungkot?

Anuman ang dahilan ng mga bagay-bagay, isa lang pagkakapareho nyan..may kanya-kanyang pagtingin ang bawat tao sa mga ito.

Katulad ko, ano nga bang dahilan ko at nakapag-umpisa ako nito? KUng anu man iyon, sa akin nalang. :P Kailangan ko lang maisiwalat lahat ng ideyang pumapasok sa utak ko. Sa sobrang dami, mahirap isiksik sa mga maiikling salita. Weeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee. Mahirap mabuhay ng mag-isa..yan siguro ang tanging dahilan ko. :P

BAGO

Maraming bago ngayon sa paligid. Malaming na..winter daw kasi sa Japan. Nakasuot na ng jacket ang ilan sa mga dumadaan sa tapat namin. Siguro nga sa climate...pero sa akin, bagong blog. Bago lang ako dito. :) Nangangapa pa. Makakasanayan ko rin. Hello to me! :P