Mahal ko ang sarili ko. Sa umpisa, mag-isa lamang ako. Ipinanganak ako ng nanay ko, lumaki akong kasama sya, at minahal ko sya. Inaruga ako ng mga kakilala ko at minahal ko sila. Mahal ko pa rin ang sarili ko. Nakilala ko ang mga kaibigan ko sa school at minahal ko sila. Plagi kaming magkakasama. Nagtawanan, nag-iyakan, at nagpaligsahan. Mahal ko sila. Mahal ko pa rin ang sarili ko. Nag-highschool ako, nakakilala ng bago, minahal ko ang musika, dahil sa pagmamahal. Mahal ko ang sarili ko. Sinamahan nya ko sa siyam na buwan, minahal ko sya. Musika na lamang ang natira sa akin..mahal ko pa ba ang sarili ko? Lumapit ako sa kanya.,nagmakaawa..umiyak..mahal ko pa ba ang sarili ko?
Kanya-kanyang disisyon, kanya-kanyang pananaw. Ikaw? Sa tingin mo ba, pagmamahal pa rin kung tutuusin ang pagbabago sa sarili para sa iba? O binabago ka ng pagmamahal at iniiwan mo ang sarili mo, pati ang pagmamahal sa sarili mo? Ibig sabihin ba nun hindi ka na magpapahalaga sa sarili mo para magmahal ng tunay sa iba?
Unti-unting lumamig yung kape ko, kakaikot ng kutsara habang nakabukas ang electric fan. Ininom ko ito ng dahan-dahan kahit na malamig na ito. Hindi na sya masarap.
No comments:
Post a Comment